Sunday, August 23, 2009
Hindi komo nasaktan ka ay dapat ka nang sumuko sa pag-ibig. Sabi nga nila, marami pang iba dyan, there are many fishes in the sea, pag may nawala, may papalit na better kaysa sa nauna. Pero hindi ganun kadali tanggapin ang pagkabigo. Masakit. Mahirap. Unang-una sa lahat, ang hirap tanggapin na ang taong minahal mo ng buong puso mo, ng buong pagkatao mo, na halos ibigay mo na pati ang kaluluwa mo, eh iiwanan ka lang ng gnun. Na sa kabila ng paglaban mo, sa kabila ng lahat ng paghihintay mo, lahat ng pag-asa mo, eh mauuwi lang pala sa wala. Na bandang huli, sasaktan ka rin nya. Bibitawan na tila isang laruan na pinagsawaan na.
Siguro'y akala nya ay bato ko. Na noong una, nagandahan siya kaya nya ito pinulot. Ang iba kasi'y tinapakan lang ang batong yaon. Tinapakan, inihagis, sinipa. Pero nang siya ang makakita, pinulot nya iyon at inalagaan. Nahiwagaan siya sa bato. Ordinaryo man, naramdaman nya na espesyal ang batong ito. Minahal nya ang ordinaryong bato. Pero ang nanay nya, nagulat. Bakit daw nagdala ng bato ang anak nya. basura lang iyan ika ng nanay nya. Inutusan siya ng nanay nya na itapon ang bato. Ipinaglaban nya iyon. Ngunit sa bandang huli, nagsawa rin sya at itinapon ang bato. Bumagsak ang bato mula sa pagkakahawak nito. Nalaglag ang bato at lumagapak sa lupa. Hindi na ito pinansin ng bata. Iniwan ang bato. Umulan, bumagyo, lumindol. Ngunit hindi na ito pinansin ng bata. Naiwan ang bato at wala nang pumansin.
Hindi naisip ng bata na ang batong iyon ay may damdamin din. May puso. Nakakaramdam ng kaligayahan, nagmamahal at nasasaktan. Sa pinagsamahan ng bata at ng bato, natutunang mahalin ng bato ang bata. Minahal nya ito ng tapat. Ng buong puso, ng buong pagkatao. Hindi malaman ng bato kung bakit siya binitawan ng bata. Alam nya, mahal din siya ng bata. Mahal na mahal. Pero di nya lubos maisip na nagawa itong bitawan ng batang ito. Minsa'y naisip nya, siguro'y napagod na ito sa paglaban. Naisip siguro ng bata na wala ng patutunguhan ang pagaalaga nya sa isang bato na wala namang nararamdaman. NAisip siguro ng bata na bato naman siya, ang bato hindi nasasaktan. Hindi nakakaramdam. Matigas ito at hindi basta-basta masisira. Kung sabagay, marami nang tumapak dito, marami nang sumipa, naghagis pero hindi natinag ang bato. Siguro'y pag iniwan nya ito, pag binitawan, walang mangyayari. Dahil sanay na sa unos ang bato. Ngunit ang hindi nya alam, na ang batong ito, ang batong nasipa, nahagis, at tinapakan ng marami, ang batong hindi natitinag, ang batong napaka tigas, ang totoo, ito'y durog na. Na ang batong ito ay buo at matigas sa labas ngunit durog durog na sa loob. Wala ng makakabuo. Dahil walang makabasag sa panlabas na shell ng batong ito.
Nang iwan ng bata ang bato, buo ang shell nito. May mga gasgas mula sa dating karanasan ngunit buo ito at matigas. Pero habang tumatagal, hindi na nakita ng bata na ang batong matigas ay unit-unting nadurog. Unti-unti nabasag ang shell nito. Unti-unti nasira. At hindi na nakita ng bata ang pangyayaring ito. Buong akala ng bata ay buo pa rin ang kanyang bato. Hindi nya nakita at hindi nya alam, wasak na ang batong ito. Durog na. At walang nagmalasakit na buuin muli ito dahil sonrang durog na. Ang bato ay humalo na sa buhangin na nakakalat sa daan. Buhangin na wala ng pumapansin. Buhangin na normal na lang nakikita.
Ang batong ito ay naglaho na. Isa na siyang buhangin.
Ngunit ang batong naging buhangin, ay hindi pa rin sumusuko. Hinihintay nya ang isang lalaking hindi na isip bata. Isang lalaking sasalukin ang buhangin na ito at gagawing semento. Isang semento na makakagawa ng isang magandang bahay o daan.

Labels: bato
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment